Wednesday, June 27, 2007

Usec Robert T. Rivera at Heber Bartolome


Hindi kataka-taka kung si Heber Bartolome at ang Banyuhay Band ay dumalo nuong ika-2 Anniversaryo ng Pilipinas Ngayon Na! ni Undersecretary Robert T. Rivera at ni Jeli Mateo na co-host ni Usec. Rivera. Ito'y dahil si Usec. Rivera ang kauna-unahang manager ng Banyuhay na siyang nag-produce ng mga kantang nilikha ni Heber nuong dekada 80's, kung saan nakalakip ang awit na "Tayo'y Mga Pinoy" at nakilala si Heber.

Ang mga kantang likha ni Heber ay nagpapahayag ng makadamdaming pagsasadula ng buhay Pinoy. Mga awitin na sumusulong ng mga adhikaing makabayan at tumatanaw sa mga sakit ng lipunan. Ito'y umaanino lamang ng uri ng pagkatao na mayroon si Usec. Robert T. Rivera na nuon pa man ay sinusulong na ang mga kathang tumutukoy sa problema ng ating bayan upang matuguanan ng pamahalaan. Kung inyong magugunita si Usec. Rivera din ang tumulong sa FAMAS nuong nakaraang taon upang matuloy lamang ang ika-54th FAMAS Awards Night para mag bigay puri sa mga artistang Piipino. Siya rin ang sumulong ng panukalang itaas ang parte ng MOWEL Fund sa kinikita ng Film Fest tuwing sasapit and Metro Manila Film Festival.

Sa ngayon si Heber at Usec. Rivera ay tuloy-tuloy pa rin sa pagsulong ng adhikaing tumutugon sa pangangailangan ng sangbayanan. Si Heber ay tuloy pa rin sa pamamahayag ng kanyang mga mithiin sa larangan ng pag-pipinta, pag-awit, at pagtulong sa mga nais maging compositor at musikero. Samantalang si Usec. Rivera naman ay isa nang Undersecretary for Operations ng Office of the Press Secretary, Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Hindi magtatagal ang Plipinas Ngayon Na! ay ililipat na sa prime time tuwing Sabado ng gabi sa NBN Channel 4. Siya'y magkakaruon na rin ng sariling palatuntunan sa Radyo ng Bayan upang patuloy na maipahag at sagutin ang mga daing ng sangbayanang Pilipino. Sa ngayon, si Heber naman ay my regular na ring pahina sa dyaryong "Taliba", kung saan ay lalo niyang maipahahayag ang kanyang pagtukoy sa mga problemang kailangang tugunan ng pamahalaan.

Kung nais niyo ng iba pang inpormasyon tungkol sa "Banyuhay" nuon, ngayon at bukas ay tumungo lamang sa mga pahina ni KA Heber sa internet.

Samantalang ako naman ay abala sa aking adbokasiya sa kapaligiran upang mahibsan ang global warming. Panuurin ang katangi-tanging makakalikasang lugar na pinagtra-trabahuan CSC Forest.

MABUHAY ANG MGA MAKABAYANG MUSIKERONG PILIPINO!


Roy




(Ang numero na nakalathala sa blog counter ay hindi tunay na nagpapakita ng tunay na bilang sa mga bumibisita sa pahina na eto. Ito'y sapagkat and pahinang ito ay nakalathala sa iba't ibang grupo at sahi sa internet)



Free Blog Counter